Sunday, July 02, 2006

IY Storyline

Inang Yaya
Ni Veronica B. Velasco

Iba na ang mundo ngayon. Noon, dalawa lang ang pagpipilian: itim o puti. Ngayon, wala nang simpleng desisyon. Bakit ko ito nasabi? Ako si Norma, pero hindi ito tungkol sa akin. Ito ang kuwento ng dalawang batang pareho kong mahal. Si Louise, ang aking alaga, at si Ruby, ang aking anak.

Hindi pa ipinanganganak si Louise, namamasukan na ako sa kanilang pamilya. Iniwan ko si Ruby sa probinsya kasama ng kanyang Lola. Dalawang beses lang sa isang taon kung kami’y magkita. Sabi ni Inang, mabait naman daw ang anak ko. Lista sa klase. Pero minsan sinusumpong. Marunong nang sumagot. Mana daw sa ina, matigas din ang ulo.

Tuwing naroon ako, parang aninong nakasunod sa akin si Ruby. Walang kasing daldal. Marunong na raw lumangoy. Mag-isa daw natuto. Kaunting praktis na lang, ‘di na siya sesemplang sa bisikleta. Minsan daw napagalitan ng titser. Sinapak kasi niya si Junathan. Ang kulit daw kasi, namboboso. Natawa na lang si Inang nang isagot ko, “ Mauupakan ko iyon!”

Ang dami kong pasalubong kay Ruby. Katulad din ako ng ibang mga magulang, sinusuhulan ang anak para mapagtakpan ang pagkukulang. Inuuwian ko siya ng mga damit na kinaliitan ni Louise. Kahit masikip o bitin, pinipilit pagkasyahin.

Sa gabi, magkatabi kami kung matulog. Kahit maalinsangan, ang hilig niyang sumiksik. Laging nagpapakuwento. Ano daw ba ang laging pinapanood sa TV ni Louise? Gusto rin ba niya ng Chickenjoy? Natatahimik lang si Ruby kapag nagkukuwento na ako. Parang ang lalim ng iniisip… hanggang makatulugan na niya.

Bawat taon, pahirap nang pahirap magpaalam. Noong mas bata pa si Ruby, ang lakas ng iyak. Ngayon, wala na siyang tutol. Pero nararamdaman ko na may hinanakit siyang kinikimkim. Ganyan talaga ang buhay, mapanuya. Hindi ko maalagaan ang sarili kong anak dahil kailangan kong mamasukan at alagaan ang anak ng iba.

Pagdating ko ng Maynila, bandang gate pa lang ay naririnig ko na ang sigaw ng alaga ko. Kung makayakap, parang isang taon akong nawala. Nakakataba ng puso. Bakit daw ang tagal ko? Gabi-gabi umiiyak si Bunnica, ang stuffed toy niyang kuneho.

Napakagandang bata ni Louise. Mestiza. Parang labanos sa pagkaputi. Ubod pa ng talino. Ang taas ng mga grades. Hirap nga lang sa Filipino, inglisera kasi. Napakalambing, pero mahiyain… binibili ang halik. Sapilitan kung bumeso kahit sa kamag-anak

Noong natututo pa lang magsalita si Louise, ang tawag niya sa akin ay “Mommy-Yaya.” Minsan narinig ng Lola. Pinagalitan ako. Baka daw mas malapit pa ang apo niya sa katulong kaysa sa sariling ina. Naisip ko, “Kasalanan ko ba iyon? Kausapin kaya niya ang manugang niya.” Tutoo, halos walang oras sina Sir at Ate para kay Louise. Pero sino naman ako para manghusga? Ako ba ang nagpakain sa anak ko kagabi?

Si Sir Noel, maagang umaalis, ginagabi pag-uwi. Nagtatrabaho ang Daddy ni Louise sa kompanyang gumagawa ng shampoo at sabon. Stewardess naman si Ate May, kaya madalas na wala sa bahay. Kung may libreng araw naman, bumabawi siya ng tulog.

Naging kampante na ako sa ganitong buhay. Kaya noong tumawag ang pinsan ko para ibalita na patay na si Inang, bumaligtad ang mundo ko. Agad akong umuwi. Pagkatapos ng libing, noon ko lang naisip na wala nang mag-aalaga kay Ruby. Ayaw niyang tumira sa bahay ng mga pinsan ko. Huwag ko raw siyang iwan. Naantig ang puso ko. Tumawag ako kina Ate. Ipinaliwanag kong hindi na ako makakabalik sa kanila. Hindi ko maiiwan ang anak ko. Inalok nila ako, sa Maynila na raw patirahin si Ruby. Kahit sila na raw ang magpaaral. Bumalik lang daw ako. Bigla akong nakahinga ng maluwag. Ubos na ang ipon ko.

Tuwang-tuwa si Louise noong dumating kami. Nang ipinakilala ko si Ruby, nagkahiyaan. Pero hindi rin napigilan ni Ruby ang sarili, “Nay, may bahay pa yung mga manika!” Nabigla na lang ako nang sumabat si Louise, “Mommy wanted to buy the Lil Bratz Lounging Loft because it has an escalator that really works but I think this is much nicer.” Nagulat sila sa lakas ng tawa ko, kaya natawa na rin sila.

Sabi ni Ate, buti na lang at magkasundo ang dalawa. Walang tigil ang laro. Ikaw ang mapapagod sa panonood. At kung mag-usap, hay! Si Louise baluktot ang Tagalog, si Ruby barok ang Ingles. Pero kung kilala mo sina Louise at Ruby na katulad ng pagkakakilala ko sa anak at alaga ko, alam mong pinagseselosan nila ang isa’t isa. Sa tingin ni Louise, inaagawan siya ng yaya. Para kay Ruby, siya lang ang dapat mahal ng kanyang ina.

Papunta sa Maynila, ipinaliwanag ko kay Ruby ang tungkulin ko sa bahay nila Louise. Kaya noong unang gabi, hindi siya umangal nang sinamahan kong saglit si Louise sa kuwarto. Ang hirap patulugin ng alaga ko, parang nananadya. Alas dose na nung makababa ako. Uminit naman ang ulo ko nang maabutan kong gising si Ruby. Pinatay ko ang ilaw at pinagsabihan kong matulog na. Pero kahit nakapikit ang anak ko, alam kong nagkukunwari lang siyang tulog.

Simula pa lang iyon ng kanilang tunggalian. Para akong napagitna sa mga nag-uumpugang bato. Itatanong ni Louise, bakit suot ni Ruby ang mga lumang damit niya? Kapag binubuhat ko si Louise, magpapakarga din si Ruby. Umaangal si Louise kung ginagamit ni Ruby ang kanyang bisikleta., kahit hindi naman niya gagamitin. Minsan ko lang nakitang hindi pumalag si Ruby kay Louise. Hindi ko mahanap si Bunnica; pinagsisisipa ako ni Louise. Walang kibo kaming pinapanood ng anak ko. Hindi siguro matatapos ang kanilang alitan kung hindi mumuntikang malunod si Louise.

Talagang pinaghandaan ang 7th birthday ng alaga ko. Swimming party. Habang nagkakasarapan sa kuwentuhan, bigla na lang kaming nakarinig ng tili. Nakita kong tumalon si Ruby sa tubig. Huminto ang puso ko nang makita ko si Louise, hatak – hatak ni Ruby. Hindi marunong lumangoy ang alaga ko. Ilang saglit pa ay may nakasunod na sa kanila. Napasigaw ang lahat nang parehong lumubog ang mga bata. Pagkaahon ng anak ko, kahit hingal na hingal ay sinugod ang isang lalaking mataba at sinapak. Tinulak daw si Louise. Simula noon, naging matalik na magkaibigan na ang dalawa.

Noong gabing iyon, niyaya ni Louise si Ruby na samahan siyang magbukas ng regalo. Sabi ko, hintayin ako. Pagdating ko sa kuwarto, nagkalat ang mga kahon, bukas na ang lahat ng regalo. Siyempre, hindi nila alam kung kanino galing ang alin.

Noong Sabadong iyon, sinamahan ko si Louise sa dentista. Pagbalik namin, nagkakagulo na sa bahay. Napatakbo ako nang marinig kong sumisigaw si Ruby. Hindi ako nakapagpigil nang makita kong pinapalo ng Lola ang anak ko. Tinulak ko ang matanda. Magnanakaw daw ang anak ko. Kinuha niya ang bracelet na regalo niya kay Louise. Noon ko lang nakita ang bracelet na nakasuot kay Ruby. Tumahimik ang lahat nang magsalita si Louise. “Lola, I gave Ruby the bracelet because she saved my life.” Pagkahubad ni Ruby ng bracelet, binato ko sa matanda. Natamaan ko pa yata sa mukha.

Noong ipinatawag ako ni Ate, ang sabi ko, aalis na kami. Pumasok si Louise, may dalang bag at nakabihis panlabas. Buong seryoso niyang ipinahayag na sasama siya sa akin. Siguro kung hindi ginawa iyon ni Louise, iba na ang yaya niya ngayon.

Tinupad nila Ate ang pangakong pag – aaralin si Ruby. Sa katunayan, hindi nila tinipid ang anak ko. In–enrol nila si Ruby sa eskuwelahan ni Louise. Magkaklase ang dalawa. Isang umaga, nang ihatid ko sila, narinig ko ang tanong ng kanilang busmate, ”Mommy n’yo yon?” Ang sagot ni Louise, “She’s my yaya.” Sabi naman ni Ruby, “Nanay ko ‘yon.” “Anak ka ng yaya?” Parang ang lakas ng tawanan nila pagkatapos. Kinabukasan, bago dumating ang bus, sinabihan ako ni Ruby na puwede na akong pumasok ng bahay. Hindi ko pinahalata na nasaktan ako nang ipagtabuyan ako ng anak ko.

Mula noon, mas madalas kaming mag-away ni Ruby. Kung ano-ano’ng gustong ipabili. Stroller bag. Skechers. Hello Kitty na pencil case. Ilan beses kong ipinaliwanag na wala kaming pera. Pero para mapagbigyan lang ang anak ko, pinag-ipunan ko ang pambili ng rubber shoes niya. Nang iabot ko, nagreklamo si Louise, bakit daw siya, wala. Pagkabukas ni Ruby ng kahon, hindi ko inaasahan ang kanyang reaksyon. Halatang fake daw ang rubber shoes. Ipamigay ko na lang daw. Hindi ko na nakuhang magalit.

PE ng mga bata tuwing Miyerkoles at Huwebes. Iba ang kanilang uniporme. Jogging pants at rubber shoes. Narinig ko na lang nag-aaway ang dalawa. Suot ni Louise ang sapatos na bigay ko. Nagalit si Ruby. Kanya daw iyon. Sabi ni Louise, “You’re so mean. You didn’t even want these shoes.” “Ikaw ang mean,” ang sagot ni Ruby. Hindi pa rin hinubad ni Louise ang mga sapatos. Hindi na lang sila nagkibuhan.

Isang gabi, hinintay ni Ruby na tabihan ko siya sa kama. Itinanong niya, “Mas mahal mo ba si Louise?” Sabi ko, pareho ko silang mahal. Pero dahil anak ko siya, mamahalin ko siya ano man ang mangyari. Kahit ikahiya niya ako dahil katulong lang ako. Tinalikuran ako ni Ruby. Pagtingin ko, tahimik siyang umiiyak.

Alam kong nagkabati na rin ang dalawa bata nang makita kong suot-suot ni Ruby ang rubber shoes na bigay ko. Nagkasundo silang maghiraman na lang. Tuwing Miyerkoles daw, si Ruby ang gagamit at tuwing Huwebes, si Louise naman.

Pinapirma ako ng return slip ni Ruby. Ang mga magulang lang daw ang makakahuha ng report cards. Hindi makakapunta sina Sir at Ate, binigyan na lang ako ng excuse letter para kay Louise. Habang naghihintay akong kausapin ang titser, pinagmasdan ko ang mga artwork na nakapaskil sa bulletin board. Parehong may drawing sina Louise at Ruby. Mukhang nagkopyahan ang dalawa. Ang pamagat ng gawa nila ay “My Hero”. At ako ang naka-drawing. Suot ko ang uniporme kong puti. Ang kay Louise, nakalagay, “My Yaya”. Kay Ruby, ang nakasulat, “My Nanay”.

May nagtanong sa akin, kung nasusunog ang bapor at isa lang ang masasagip ko, sino ang pipiliin ko, si Louise o si Ruby? Isasakay ko si Ruby sa likod ko, at kakargahin ko si Louise, sabay talon sa tubig. Isa lang daw ang puwede. Ano namang klaseng tanong iyon? Nakakapikon. Para sa akin, isa lang ang puwedeng sagot. Hindi ako makakapili. Ibibigay ko ang buhay ko, masagip ko lang silang pareho: ang alaga ko at ang anak ko.

28 comments:

ibarra said...

Thanks renz!You are probably one of the most active and intelligent maricelians on the web.ang sipag mo mag post at ipagtanggol ang ating idolo!naging solid maricelian na rin kami ni ronnie after shooting inang yaya. more power!

Anna Maria M. Gonzales said...

Nakwento na ni Ronnie sa akin ang storyline na ito, pero naiyak pa rin ulit ako! Nakaka-inspire Direk, congratulations!

Anonymous said...

hello! binabasa ko pa lang ito eh naiiyak na ako. what more kung makikita ko na si Maricel Soriano, the Diamond Star playing the role of a Yaya at nasa gitna ng nag-uumpugang bato (alaga and anak)..........gosh! can't wait to see Inang Yaya!

Anonymous said...

direk pabling.. tulad ng sabi ko sa pex.. during the promotions sana maisama ang mga fans ni maricel na naka yaya outfit hehe. kasama sila sa guesting niya sa homeboy, the buzz.. sa asap.. o kahit saang talk shows. tapos sana makakita din ng tunay na yaya na fan na fan talaga si maricel.

sana magustuhan ng mga kritiko ang movie. at kung mapadala ito sa mga international film festivals, ayos na ayos. at pang oscars kaya? wishful thinking lang direk. hehe. pero why not? hehe.

direk.. good luck to you dahil alam naming you need all the good lucks in the world.. i wish you and the movie SUCCESS. kasama ang inang yaya sa dasal ng mga maricelians sa buong mundo.

ibarra said...

we're trying our best to finish the rough cut of IY para magawa na agad ang subtitles.halos lahat ng festivals ngayon ay nagrerequire na ng at least subtitled rough cut. thanks again for your suggestion!

Anonymous said...

so nasa original plan na rin ang pagsali sa mga international film festivals..

kelan ba talaga ang target showing nito direk?

Anonymous said...

by des@diamondstar as posted in Filmbug

Share ko lang po...
Hindi po me masyado nakakapagpost d2 pero lagi po ako nagbabasa kaya lang nung magpasukan na bibihira na lang kasi pagod sa byahe tapos mag aaral pa pero sabi nga ni ate ej ieenjoy ko lang daw po ang college life kasi naninibago pa talaga me ang laki ng difference n2 sa high school life ko dati,..

Pero ganun pa man naging maganda naman ang vacation ko bago maging busy sa pag aaral , kasi nung june 9 2006, of course alam niyo naman na nagshooting ang “Inang Yaya” sa Calamba Laguna. Super saya ko po talaga nung tinex me ni ate Alodia about sa calamba actually talagang “answered prayer” kasi nung magkatext po kame dati ni ate alodia prang alang laguna daw saka naisip ko rin mukhang malabo na magkaroon sa laguna pero ke GOD walang imposible kaya pinagpray ko po talaga un saka dati nabanggit ko sa text ke ate Alodia na sabi ko sana magkaroon sa Calamba at nagkaroon nga, kasi hanggang laguna lang talaga po ako bawal ako sa ibang location.

Nang mag june 9 na oops w8 nung june 8 pla xempre di na ko mapakali saka iyong location ay Ayala Greenfields daw sa calamba raw eh di ko po lam un xempre tanong2 na kame ni ate malou sa mga kakila2 namen, kela ate Tess at ate Marie nangungulit tlaga ako, taz nung gabi nagtxt c ate Alodia sakin na sasama daw xia xempre super saya ko kc miz ko na rin xia, (c ate Alodia ung first na maricelian na nakatxt ko at na meet ko nung sa Magdalena Laguna ung first shooting day ng Vietnam Rose kasama niya si ate Tess) saka sinabi niya na sa metropolis sa may Alabang ang meeting place para daw di na kame mahirapan ni ate Malou (pareho kame tga Los Baños Laguna) hanapin ung place kc may service kung sa Alabang kame pu2nta at buti na lang medjo malapit un pinayagan na rin ako.

Eh d okey na ang lahat ang problema ko na lang po talaga nung gabing yon di ako makatulog as in grabe na hilo na ako sa antok na gusto ko na talagang matulog kso ayaw pa rin, kung makatulog me iglip lang talaga kaya nung tiningnan ko iyong clock 4:30 am na bumangon na agad me at nauna pa ako sa alarm clock ko hehe..kaloka.

Mga 6 am nagtxt ate Malou kakagising pa lang niya raw kaya 7 am na lang kame magmi2t dapat kc 6:30 am pero okey lang naman taz nun nakaalis na ko ng bahay nakasakay na kame ng bus. Natatawa ako nung nasa bus na kame kc ktxt ko po mga klasm8 ko na niloloko ko cla na may shooting ako sa calamba ang aga nga ng call time ko, sabi nila Maricel ikaw ba yan?hehe..pero sabi ko nonood me ng shooting.

Nasa bus pa rin kame, di na ko nagtetxt kc kinakabahan na ko. Mga quarter to 9 nkarating na kame kala ko nga kame na lang ang late kc call time namen 8 am un pala ung iba ala pa rin dun sa may hem lin kame nag intay c ate Malou ang naga2ckaso kung nasan na cla habang ako kabado pa rin maya maya may lumabas galing sa 7 eleven d ko pinansin un pala cla na un sabi ni ate malou cla ate Maffi at ate Aisa pumasok kame sa loob nandun c ate Felicity. Maya2 ulit lipat naman kame sa kabilang 7 eleven nandun daw ung iba pagpunta namin nandun c ate Tess na kinumusta ako at cla ate Tina at ate Glo taz labas agad kame punta kame jolibee dun namen inintay cla ate Marie at ate Mecylle taz dun ko nalaman c ate alodia d makakasama kc super pagod na xia di nya kinaya kaya naiintindihan ko xia pero sayang talaga un.

Dumating na rin ung service nung nakasakay na kame medjo sad kc ala ate Alodia pero super happy sa wakas papunta na kame sa location at ang dame kong nameet na “maricelian” kumpara dati na cla ate Alodia at ate Tess lang ung available during that time. Xempre cla kwentuhan me tahimik lang talaga kabado pa rin kc eh, sabi nga ni ate marie sakin sa personal tahimik ko raw sa txt ang kulit kulit ko daw sabi naman ng iba dadaldal din daw ako.

Mga pass 12 na ata kame nakarating at kahanga hanga ang ganda ng location buti na nga lang sumabay kame sa service kung hindi aabutin kame ng siyam2 sa paglalakad kc napakalau. Pagkarating namen dun ala pa ang inay, kwentuhan muna kame c ate Tess talaga ang pinakakomedyante, at napakabait maackaso pa. Mga quarter to 1 lumabas na kame parating na daw ang Inay grabe super kinakabahan talaga ako that time, naunang bumaba cla mama Bec, c papa Gong, at ung driver ni Inay, c Inay kita ko na buhok niya at napansin ko tumaba sya sa isip isip ko ang tagal naman bumaba ni inay nasasabik na talaga ako may kinukuha pa kc sya, at sa wakas pag baba nya sabi nya “MABUHAY” napatawa ako dun kc ang c8 ng pagkasabi nya at may action pa talaga.

Pagkatapos pumunta na kami sa loob kumain, after nun pumunta na c inay sa dressing room nya,..habang kami kwentuhan sa labas with papa Gong at mama Bec. Pinakilala ako ni ate marie ke papa gong unang kita ko palang kc sa kanya nun taz cnab nya 16 lang ako nagulat c papa gong kc dapat ang iniidolo ko raw cla sandara, angel, kc kabataan nga.. (saka nakalimutan ko sabihin talagang maka Maricel kame lahi yata namin un eh, kc ung mama ko nung dalaga pa xia favorite nya rin daw c Maricel, saka ung dalawa kong tita favorite din at ung ninang ko nagulat din ako ng malaman ko na favorite nya c Inay kc may mga magazine ako tiningnan nya sabi nya oh bakit nand2 ung kamukha ko pagtingin ko c Inay ung tinutukoy nya, natawa naman ako saka sabi nya nung dalaga pa xia ginagaya nya porma ni inay at hanggang ngaun ginagaya nya daw, saka ung friend ng isa kong ninang favorite din daw c Inay sabi ko nga sa ninang ko gusto ko mamit ung friend nya kso nasa ibang bansa na pla sbi nga ng ninang ko ang dami raw poster ni Maricel sa kwarto nung friend nya, kaso ngaun ala na daw xiang balita dun, taz ung lola ko nakita ko ung picture nya may kasamang artista di ko kilala sinauna pa kc un so tingin ko namana ko sa lola ko ang pagiging fanatic ko, at di naman ako nagkamali ng inidolo ko kc maka Maricel pla tlaga kame, actually di ko tlga lam kung bkit xia kaya pag tinatanong ako kung bkit xia di ako mkasagot ng maaus kc nung tinanong ako ng friend ko na fanatic din cno daw idol ko bsta cnasabi ko c Ms. Maricel Soriano kahit pgka sa slum book, may nakalagay dun favorite actress ang ilalagay ko na name ay c Inay xia lagi ang unang pumapasok sa isip ko pagka ganun, saka nung elementary days ko may cable kame pagka c Inay plbas di ko pinapalipat ang channel saka nagkakasundo naman kami lalo na pagka comedy ang palabas at pagka ung role ni Inay ay may pagka boyish at saka ung putak xia ng putak dun talaga kame tawa ng tawa. Pero first drama movie na iniyakan namin ng kakambal ko ung “MILA” as in iyak kami ng iyak.)

Taz maya maya may lumapit samin maghanda na raw kami para sa take at kami ni ate Aisa kelangan magpalit ng blouse na pastel color, pinahiram kami ni ate Marie talagang nagdala daw siya ng mga damit. Ako nagulat ako dahil mag e2xtra pala kami di ko talaga ineexpect un grabe sa movie pa ni inay napasabak na kame ni ate Malou pareho kame taga los baños at di namin alam na mag e2xtra pala ang mga maricelian kaya pla nung gabi tinex kame nla ate na magpastel color eh di ko naman alam na may ganung mangyayari.

1,2,3 action!!! hehe..start na kc ng take. C Inay puting puti xempre naka pang yaya outfit at naka braid ang hair nya, hay grabe ganda talaga ni inay minsan nakakahiya na tumitig sa kanya baka kc matunaw na xia pero kailangan sulitin bibihira ko lang naman makita ang Inay. Habang nagttake na, natutuwa ako ke Inay kc kumakanta xia ng huhu..huhu..pag nagkakamali ang mga bata pakomedi pa rin dba.

Kahit ang tindi ng init energy level pa rin kameng mga maricelian, taz pagka magbbr8k muna kwentuhan kame natutuwa ako ke ate Maffi dahil dun sa spaghetti na gusto nyang mangyari na habang naglalakad cla dapat daw may spaghetti daw clang dala, tawa nga kame ng tawa dun. Pagkatapos ng scene namin pahinga kame taz c Inay pumunta sa dressing room nya. Grabe nangitim kame daig pa namin ang nag swimming hehe.. kc medjo natagalan talaga kaya nabilad sa araw. Nang maggagabi na nasasad na ako kc last scene na lang matatapos na, naupo kame sa may hagdanan kaso naramdaman namin nung pag upo namin mainit, kaya tumayo na lang kame at namasyal nag picture taking kame buti na lang may dalang cam c ate Maffi.

After nun bumalik kame sa may hagdanan nakita namin cla Erika at Tala nag papicture kame, taz naupo kame sa may hagdanan nagkwentuhan ulit, cnabi na ni ate Marie ung mga good news kc inask nya muna mama bec2 kung pwede na sabihin at pwede na nga raw at super saya ko ng malaman ko na may next movie nga raw xia ung “numbalik diwa” nga, ang pumasok agad sa isip ko sana may location sa Laguna ulit saka ung sitcom ni Inay with her Daddy Dolphy ung “John & Shirley”..

Mga 8:30 pm na natapos super sad na ko kc tapos na saka di pa ko nkaka pag pa autograph, at nakakapag pa picture sa kanya eh di nag aaus na ng mga gamit kame nsa may pintuan may kanya kanya ng dala sabi ni Inay maaga pa naman kaya pumasok muna kame sa dressing room nya taz nagpapicture kame ni ate Malou nsa gitna c Inay sabi nya samin “lumapit lapit nga kayo sakin..nakakaloka..” taz natuwa ako nung ginaya nya ung cnabi ko kc cell phone ko ung gamit nung pinipicturan kame eh sbi ko sa gitna po pipindutin..taz sabi ni Inay oh sa gitna daw.. taz hinawakan ko xia sa bewang nya.. taz kinuha ko ung picture namen na dinala ko talaga para dun ako magpapaautograph sabi ni Inay dun sa picture saan ito kaloka, taz naalala nya ung first shooting ng Vietnam Rose sa Magdalena Laguna taz tinanong nya name ko sabi ko Desiree ang nkalagay dun Desiree, Blessed be!! Taz ung signature nya...

kwento ko nga pala ung pic namen ni Inay nung sa Magdalena Laguna, natatawa ako pagka tinitingnan ko un kc nung nilapitan ko c Inay sabi ko ms. Mary..di yata ako narinig, taz sbi ko ulit ms. Maricel taz humarap na xia skin nsa may tapat na kme ng sasakyan nya sabi nya o bakit? Sbi ko pwedeng magpapicture po as in sobrang kabado ako sa isip isip ko this is it... totoo na 2 nakakausap ko na xia. Sabi nya sakin “ako ang magpipicture o ikaw ang kukuha sakin” napatawa na lang ako di ako nkaimik sbi ni Inay hinawakan pa nya ko sa braso sandali lang ha, babalikan kita tinatawag nya kc c Gary assistant director ata un di ko sure taz nung bumalik xia tinawag nya ate Alodia para magpicture samin eh madilim pa nun buti na lang maganda ung kuha namin.)

Then go home na kami sabi nya samin mag ingat daw kame.

ibarra said...

grabe post ni des!ito na ata pinakamahabang txt message este comment na nabasa ko!napagod me pero masaya xia!di ko kanyang ireject pagtaz niyang paghirapan isulat ang naging experience niya sa shoot.
Hayaan mo des, di lang kayo ang umitim sa shoot sa Greenfields. Hanggang ngayon me parang naka t-shirt pa ren kahit nakahubad na!
tnx uli!

Anonymous said...

Ano ba 'to, nasa office ako e muntik nang bumaha ng luha sa desk ko after reading the storyline of Inang Yaya! Storyline pa lang yan ha!

As a mother, nakaka-touch ang kuwento.

Bilang isang manunulat din, magaling ang konsepto. Bago siya at tiyak na makakakuha ito ng award.

-charlotte-

Anonymous said...

nakaka-antig naman ng puso 'to...

Anonymous said...

Sana bumaha rin ng luha sa sinehan.

Anonymous said...

good day everyone! as early as now i wanna congratulate the writer, director, producer basta lahat ng nasa likod ng IY. i was just reading the story and i cant help but cry -- a very inspiring and poignant story. i will definitely help in spreading the word. kahit in my own little way maipakita ko ang suporta sa inyo. like what everybody says ang ganda na ng istorya what more kung si maricel na ang umaarte.

please please please inform us kung kelan ang showing di ko talga palalampasin to.

Anonymous said...

posted by ATE MARIE/PinoyExchange-IY Thread

grabe binabasa ko pa lang ang story tulo na luha ko pano na pag sa sine ko na pinapanood,luha at sipon tyak ang maghahalo.
ang ganda rin ng poster.

to direk pablo and ms.roni thank you po sa lahat ng ginagawa nyo for inang yaya.nakakamiss din po ang pagpunta sa shooting.
dont worry tyak na full support po ang maricelians sa INANG YAYA.

Miss na namin kayo........

ibarra said...

Kami rin ni Ronnie, miss na miss na namin kayo, sina ate tess, aloida, maffy at iba pa!miss din namin and waffle dog,egg pie, ang shing-a-ling! Lalo na halos mabuo na namin ang rough cut ng ating pelikula.
Maraming maraming salamat sa inyong suporta!

Anonymous said...

Nagka feature ang Correspondents about yayas, meron bang connection ito sa movie? Kung meron, mukhang hindi naman yata tama ang timing.

Naalala ko tuloy ang DH/Yaya sa Hongkong na namatay dahil sa pagliligtas ng kanyang alaga na masasagasaan ng sasakyan. And the few next days.. pauwi na siya noon sa Pinas. Pero sa halip na buhay.. naka kabaong siyang umuwi.

Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang alaga, nakaya niyang ibuwis ang kanyang buhay pero inulila naman niya ang kanyang mga anak. Ganito din ba ang mangyayari sa Inang Yaya?

ibarra said...

Isang docu-feature tungkol sa tatlong yaya ang ipinalabas ng news and public affairs program na Correspondents noong nakaraang linggo.
Walang kinalaman ang produksyon ng Inang Yaya dito.
Ang Inang Yaya ay di lang kwento ni Norma, ito ay kwento rin ng dalawang bata. Ang kanilang "tunggalian" para sa atensyon ng ina para kay Ruby na anak at atensyon ng yaya para kay Louise na alaga.

iFred said...

we cant wait for this film.. hopefully you guys are gonna show it in toronto film fest and maybe release it on dvd.

Anonymous said...

monek, i love this blog @ congrats for all you've accomplished. i am inspired to try to find my voice also as a writer...matagal-tagal pa yun siguro...
kelan labas ng movie, sana mapanood ko with vilma & the gang...will promote it to people i know...i hope it will be a success and you can tell more stories...

Anonymous said...

Ang ganda ng istorya...grabeeeee!!!! simple lang pero sobrang makatotohanan! feel na feel ko na siyang mapanood! salamat, ms. roni for coming up with this kind of story! Okay, God bless!!!

Anonymous said...

direk kelan ba masisilayan ang finish product ng inang yaya...

Anonymous said...

direk upon reading your message in inang yaya thread, na excite ako lalo hehe. kaya i posted your message in some threads para naman ma i share ko ang excitement.. hehe.

parang hindi na ako makapaghintay na mapanood din ito. kung pwede sana jan or feb next year ang showing nito in time for my vacation...

gusto ko itong mapanood sa sinehan.

Anonymous said...

As posted by Marie, President of Forever Friends of Maricel Soriano fans club...

kwento lang po,sorry kung di ako kasing galing at kasing detalyadong magkwento ni alodia or ni larry.

Wednesday ng hapon nagtxt si ate tess.tumawag daw si ms.noemi invite kami to watch INANG YAYA sa unitel ofc ng 2pm,sabi nya makakapunta ka ba? sabi ko OO gawa ako ng paraan.Patawarin ako ng boss ko,pero kailangang kong mapanood ang INANG YAYA.
when i txted mama bec ng gabi sabi nya 2pm daw magguest si inay sa wowowee,naku pano yan sabay pa,ano ba ang dapat puntahan.kami nila ate tess pinili naming manood,kasi kung sa wowowee kami pupunta matagal pa ang hihintayin namin para mapanood ang pelikula.
Thursday --- all set na kami sa unitel.nauna na si alodia,glaize at maffy.dumating ako nag start na.
dun pa lang sa scene na namatay ang nanay ni norma,tumulo na luha namin.lahat kami tahimik na nanonood.
sa sinulat ni ms.roni na 17 days with maricel at sa synopsis ng Inang YAya naiyak na tayo.what more kung buong pelikula pa ang mapapanood natin.
Umiyak tayo nung nabasa natin yung scene na pinagbintangan ni lola tots si ruby na ninakaw ang kwintas,mas lalo tayong iiyak pag napanood na natin.GRABE ang galing ng eksenang ito.
habang tumatagal nagsisikip na ang dibdib ko,lalo na sa eksena tungkol sa rubber shoes ,sumisigok na ko.
at mas lalo kang hahagulgol sa ending ng movie.GRABE yun lang ang masasabi ko.
TAma ako dapat lampin ang dala natin sa sinehan,kasi yung panyong dala ko basang basa.
Maganda na ang INANG YAYA kahit wala pa ang musical scoring what more kung talagang ayos na ayos na.
Ibang atake ang acting ni Inay dito.YAYANG YAYA ang dating.MAgaling din si RUBY AT LOUISE.pati si lola tots.
PAG NAPANOOD NYO NA. MAS MAGIGING PROUD KAYO TO BE A MARICELIAN.
AT SASABIHIN NYO ANG GALING TALAGA NG IDOL KO.

CONGRATS DIREK and MS.RONI,ang ganda ng INANG YAYA.

Anonymous said...

Inulit ulit kong basahin uli... mas tumimo sa puso ko ang kwento.

Anonymous said...

Dear Ms. Roni,
Hi again! How are you? By the way, thank you for your wonderful, sound advice on how to be a good writer like you.
I don’t know but here’s what I think (ala Maricel huh). From what I know, Ms. Marya and Sen. Pia Cayetano are friends. What if someone, like perhaps Maricel herself or Mr. Tracy, suggests to Sen. Cayetano to propose a bill declaring a certain day as “Yaya’s Day”(if there’s no such bill yet pending somewhere)? And hopefully it will be approved by the time IY will be showing in the theaters. And the movie could get some credit for it. You are hoping that IY will be a fitting tribute to yayas. Imagine if YAYA’S DAY will be officially declared as inspired by the movie. IY will be forever honored and remembered as the one instrumental to the passing of this cute YAYA’S DAY Bill (Can anyone call bills cute?). It will be more than just a heart-warming movie but something that uplifted the yayas across the country. Every yaya will be thankful for this movie. Isn’t that amazing? I think so…I know so! Besides, it will be good for the economy ‘coz when do flowers sell that much but during occasions like ‘Mother’s Day’, ‘Valentine’s Day’ and ‘All Saints’ Day’.
Sincerely,
Panyang

Anonymous said...

We agree, Yaya's Day would be a fitting tribute to all those deserving we've taken for granted. Should Inang Yaya be instrumental to this happening, we'd be more than please.

Anonymous said...

pero in the second thought, parang pangit naman yatang dahil lang sa inang yaya magkakaron ng Inang Yaya Bill heheh. pero pwedeng ipalabas muna ang inang yaya bago magkaron ng bill? Dapat yayain lahat ng mga politiko dahil lahat ng mga yan, may mga Yaya sa bahay. hehe.

Lahat ng mga may yaya sa bahay, dapat panoorin ang movie para matuto sila kung paano tratuhin ang kanilang mga yaya.

Anonymous said...

direk, baka pwedeng mag upload ka ng ilang scenes sa youtube, para konting patikim naman sa mga manonood.

Anonymous said...

Tungkol sa singer na gusto niyong kumanta ng theme song ng Inang Yaya.. eto ang aming suggestions..

Regine Velasquez - first choice

Pwede ding si Gary Valenciano... mahusay siya pagdating sa mga kantang ganyan.

Sheryn Regis - may pagka exciting boses nito. Minsan nga lang OA.

At sana may pambatang version. Maganda daw ang boses ng batang si Imang sa Kampanerang Kuba.